Monday, February 16, 2009

Shopping Mania 1: 1st week of December 2008



Posted On: December 12, 2008

I'm back!!!Yup, alive and kicking. December na!!!! Yipeeeee!!!!! Every year super inaabangan yan ng mga kids sa amin and syempre ng mga "kids at heart" like me!!!!hehehe. The first 2 weeks of December was a busy week for me. Hay grabe! Simulan na natin ang kwentuhan kasi mahaba haba pa ito.

Monday
December 1, 2008

Hay naku ala akong double pay nito. kasi naman sabi nila since on training kami ala daw kami pasok ng holiday. Fine!!! eh di ala. Ginawa ko nag slip talaga ako ng super haba sa haus tapos nagluto ako ng CHICKEN ALA KING! Practice muna ako before ko siya lutuin sa Christmas Day!!! My relatives requested kasi na magluto daw ulit ako nun, so before ko sya ulit lutuin sa Christmas dapat ma perfect ko yung luto ko. hehehe. Last time kasi na nagluto ako nito medjo malambot masyado ang crust pero they enjoyed eating it namn eh. ala naman nagreklamo sa haus nung kinain nila un luto ko. Its either nasarapan sila or gutom lang talaga sila kaya ala silang choice kundi kainin un hehehe.


Tuesday
December 2, 2008

Hay ala pa kaming access sa Talisma noh, pero di ako nainis hehehe, natuwa pa nga ako kasi ayaw ko pa talaga magchat eh. nag side by side lang kami sa mga tenured agents. Si Ariam and Mark ung andun pero kami ni Tinky kay ariam nag side by side. Ok naman ang mga agents ng chat queue na naaabutan namin sa morning, friendly naman sila ang willing magshare ng knowledge nila.

Nagchat na ako ng araw na ito. Pero i used Mitch access in order to chat. I handled a known good issue and I had the chance to experience to navigate the talisma tool. Seems na naloka ako. Mega panick ako talaga.hehehe.kasi sa verification pa lang namin nataranta na talaga ako. As in alam ko naman un pag alang chat ah tapos ganun pala un pag andun ka na super matataranta ka.

After the shift, sumabay ako kay vayie and super nagustuhan ko ung route niya kasi naman ala traffic and fx pa sinakyan namin. Well, seems na may idadagdag ako sa route to TCC ah. Dumaan ako sa RCBC para tignan ung perfume bazaar. super tumbling ako sa mga discounts as in. I asked the saleslady if meron ung mga scents na gusto ko, luckily meron naman Bvlgari Omnia and it only cost Php 2300 as in super natuwa ako. The last time I purchased Bvlgari sa mall it was around Php 3,600. I even saw Burberry touch na may kasama ng showr gel and body lotion and it only cost 2000. Grabe di ba? yung burberry touch alone sa mall around 3000 yun. so yung andun may kasama ng shower gel and lotion , WOW na WOW, super savings na di ba. I asked the lady if hanggang kelan sila sabi niya until December 5, 2008 lang daw then sa December 15 baka daw bumalik sila pero di pa sure. Nung time na yun inisip ko agad ang 13th month pay ko. hahahaha. mag buy ako ng perfume sa 13th month pay ko.

Dumaan ako sa Starbucks RCBC para naman i-treat ang sarili ko. I had toffee mocha nila (sorry not sure if un nga) basta ung Christmas blends nila un na may mocha hehehe and yung hazelnut slice ba yun. I was satisfied dun sa toffee mocha drink because I had it hot pero ung hazelnut slice di ko nagustuhan masyado. I'll try to post it sa food and travel blog ko one of these days so you can have an idea bat di ako satisfied sa hazelnut loaf nila.

It's been a long day and as soon as i got home, nag shower ako with my relaxing "Avea" bodywash. super relax na relax talaga ako after ko mag shower. hehehe. super tried and tested ko na yang body wash na yan. pag pagod na pagod ako yan ginagamit. hmmmmm....share ko na lang dito yung collection ko ng mga body wash, mga ginagamit ko and yung mga favorite brands ko and kung bakit ko sila favorite. naku mahabang habang blog entry yun. hehehe. I’ll try to make an extra entry for my body wash collections siguro next year na hehehe. sa Januray pede ba?haha. joke lang basta may time ako.

December 3, 2008
Wednesday

Hay, I tried to update my macros and super binasa ko ko ung mga response sa Chat loader. After the shift, sabay ulit ako uwi kay Vayie and daan na naman ako RCBC this time dumaan ako sa Delifrance. Hehehehe. I want to try their Chicken Parmigiana Platter kasi nakita ko yan bago ako pumunta sa perfume bazaar natakam ako eh. kaya binalikan ko sya. Saka inavail ko na ung Chocolate almond biscotti nila that they’re giving away for free. Sa almond biscotti nila na satisfied ako sa Chicken Parmigiana platter naku super disappointed ako dun. I'll post another entry sa food and travel blog namin, next week malaman niyo kung bakit.

Pagdating sa house, I started updating my Christmas shopping list for my friends and family. Ciempre may mga idinagdag ako ngayon and natuwa pa ako kasi naman it means na I’ve gained a lot of friends this year and might as well include them sa gift list ko. Sana may 13th month pay na so I can go shopping na. hehehehe.

December 4, 2008
Thursday

Hay nagchat na talaga kami. Super taranta pa din ako. But I can say na makakasanayan ko din yan. Ala namang di napapag aralan di ba? Medjo windang ako sa ibang issue but yung iba naman kaya ko na ng konti. Hay, eto na talaga next week we’re going "Live" sana mawala ang kaba ko. kasi pag nagstart na ako ng chat seryoso talaga eh. Hehehehe. Namiss ko tuloy yung emails pero sige na nga move on na nga ako. Hehehe.

I tried ulit dumaan sa Delifrance in order naman to check on their Norwegian Salmon Pasta meal. Pinagbigyan ko ng chance ang Delifrance baka magustuhan ko na toh. Hahahaha. At this time super napa two thumbs up ako dito sa meal na toh. yummmyyyy as in super yummmmyyyy...sulit ang Php 280 ko. As in complete meal un ha. They serve it with orange juice na orange na orange talaga ung parang sa mga hotels na fresh orange juice (ang laki pa ng glass nila). Don't worry may pixs ako nyan, upload ko next week. May kasama ding garlic bread na super sarap at cheese roll na ultimate dessert ko. Hay sarap. Next week ko din post ang review about dito. promise next week concentrate ako sa mga food ratings ko. hehehe.

Isang magandang nangyari ngayong araw, may 13th month pay na kami. Yipeee. So I went to the perfume bazaar ulit to buy on Bvlgari Omnia, yipeee nabili ko na sya. So dami ko na perfume sa cabinet hehehe. Yung iba naman dun pag di ko nagagamit pinangreregalo ko. Like last mother’s day ala ako money kaya mega pumili ako dun sa mga pabango ko na di ko pa nabubuksan para iregalo kay nanay. Nakasave pa din ako in a way di ba. nakuha ko sya ng discounted price then pag ala ako pang regalo yun nireregalo ko. Same with my body wash saka mga lotion. Since effective naman un and alam ko magugustuhan ng pagbibigyan ko pag ala ako maisip na ireregalo, bubuksan ko lang cabinet ko and ayun dun ako mamimili ng ireregalo hehehe. I had this habit kasi na pag sale bili ako kahit di ko pa sya gagamitin then itatago ko sya sa cabinet ko. then if ala ako time magpunta mall and may bday or mga events ako na- aatenand dun na ako kumukuha ng gift sa cabinet ko. In a way di ako mag rush sa mall then nabili ko ung items on ale di ba. Last year un ang ginawa ko January pa lang basta may sale namimili ako then nung nag Christmas konti na lang binili ko. Mas nakakasave ako ng ganun. This year din ganun ginawa ko, nag ipon na ako pakonti konti, basta may sale at nakita ako maganda binibili ko na pero syempre pag may extra budget lang ako. Then ngayong Christmas konti na lang ipamimili ko ng regalo. Yung listahan ko ung mga bagong friends ko and yung mga relatives ko na ala pa ako nabili na regalo.

I texted vayie and Jen right away, then nagreply si Vayie na she’s about to text me na meron na ng dawn a 13th mont pay. Maagang pa-bday kay Vayie yun. Si jen naman nagreply sabi niya nagsunog nadaw ako pera hehehe. Sabi ko naman un lang ang regalo ko a sarili ko. yung ibang natira sa family ko na un. Defensive pa ako noh. Hehehe. Cge na nga di lang perfume regalo ko sa self ko pati isang jeans, blouse saka sandals cge saka mga make-ups na bilhin ko kay Jen C. oh ayan pag nabili ko na yun sa family ko na talaga lahat tira promise. Hehehe.



December 5, 2008

Absent si Vayie nakamiss din naman sya. Kasi tom di ako pasok eh then sa Sunday naman din a kami magkasabay ng shift kasi pang AM sya eh. Kami naman ni Jen pang nyt kami.

Nagkita kami ng friend ko si Jen C. at syempre bumili ako ng make-up sa kanya. Yup puro Christian Dior brand ang dala niya this time. Bonggang bongga discount ang nakuha ko sa kanya. Nagpurchase ako ng 1 make up set then 1 Dior na eyeshadow set, then 2 Dior na lipgloss na may shimmer effect, 1 Dior addict na lipstick, 1 Estee Lauder na lipgloss ulit then 1,100 lang lahat yan. Yup you heard it right! super laki ng nasave ko di ba 6 item na puro naman authentic tapos 1,100 lang. Baka magtanung kayo bakit mura, yung tita kasi ng husband ni Jen C. nag work sa Duty Free Guam then lagi nagpapdala ng make-up sa kanya. Eh di naman ginagamit ni Jen C lahat di ba so binebenta na niya. Jen C. gave me an extra Dior addict na lipstick for free pa xmas daw niya sa akin. Yehey!!!! I'll try to post the pixs next week, im planning to make an entry kasi kung san napunta 13th month pay ko. hehehe!!!mahaba habang listahan toh.

Hay “LIVE” na kami starting Sunday!!! This is it na talaga! Eto na ang mundong aming tatahakin. I’ll try to be positive about it and sabi ko naman dib a I’ll do everything to be good dun sa lilipatan naming na queue. One good thing naman ngayong araw si Roj punta sya dito Manila. Dalawin niya ako. Hay namiss ko din yun. Hmmmmm…..san kaya kami mag date? Hehehe.


December 6, 2008

Absent ako. Sabbath day kasi eh. Alam niyo naman ako basta Sabbath naku church at bahay lang ako. Start yan ng Friday night – Saturday night. Saturday naman after sunset pede na ulit kami magwork basta Friday night tapos buong umaga ng Saturday di pede. I’ll try to post na talaga an entry araw araw na talaga promise!!! Yung iba kasi nakakalimutan ko na eh hehehe.

No comments:

Related Post

Related Posts with Thumbnails