Friday, June 26, 2009

Khim's Thoughts 17: Missing VAYIE





As the door of the elevator opened this morning upon reaching our floor at TCC, I saw Vayie. I hugged her tightly as I missed her a lot. Of course, Tetay and Jen missed her too. Sila ni Tin, miss namin talaga. I can't see any traces of haggardness and regrets on her face. I wanted to ask her to stay in order for us to have a "kwentuhan session" kahit saglit lang but I know she's tired and kailangan niya umuwi agad. I was so happy to see her as in. Dami ko nami-miss sa kanya. As you all know "ATE" image ang tingin ko sa kanya eh. Super nung pagpasok ko sa locker andun si Jen, sabi ko nakita ko si Vayie then hindi ko na napigilan, napaiyak na ako. Maybe kasi nga naging mabuti syang tao sa akin and naging kaibigan ko sya. Ala syang kaplastikan sa katawan and talagang pag sinasabihan niya ako, I know it come from the heart. Namiss ko lng talaga sya ng sobra kaya siguro napaiyak ako. Until now gusto ko pa din syang kasama dito sa work pero alam mo ko naman na mas masaya na sya dun. Jen, comforted me and hugged me. Sabi niya tama na daw. Sabi ko naman "Masaya na sya dun". Ok na ako na nakita ko sya na masaya."

Inggit ako sa kanya kasi nakaalis na sya dito. Ako gustuhin ko mang umalis kelangan ko muna magtiis kasi Roj and I have some financial obligation pa and we need to save a lot. Vayie, I know that you're happy now. Masaya kami lahat dito na makita na OK ka na dyan. I have a lot of fun moments and memories with you and I will always keep it here with me.

Goodluck sayo dyan and MIss kita!!!

Miss you VAYIE, miss ko din ung maganda mong butt!!hehehe!! sexy ka eh!!Godbless!!! Love you!!!


1 comment:

[vayie] said...

Oh my goodness, Khim. Napaiyak naman ako dito. I am so touched.

Nami-miss ko rin kayo sobra. Medyo cino-compose ko lang ang sarili ko not to break down and cry kasi parang I had to be strong because after all, I was the one who decided to leave. Even if I have gained new friends where I am now, alam mo namang ang dami nating pinagsamahan. Tayong tatlo nina Jen, naging closer at magkakakampi lalo na when we were the ones transferred to the chat queue. We cried, laughed, complained, whined, cursed at the turn of events. Wala akong pinanghinayangan sa pag-alis diyan, maliban sa inyong mga naging kaibigan ko. Nung pagbalik ko jan last Friday, para akong sinisilaban. I want to leave and wouldn't want to stay long. But trust me, I wanted to catch up with you guys. Gustuhin ko man mag-stay para makipagkuwentuhan sa inyo, I don't want to see the people that caused me so much aggravation diyan. Kaya as you can see naman, I stayed at the CR while talking with Jacq and Jen. Buti nga naabutan mo pa ako kasi gustung-gusto ko na talagang umalis dun sa building parang nasu-suffocate ako.

I thank you for understanding my decision to leave and for being happy where I am. I tell you, happy and contented na ako dito. And in turn, I understand why you had to stay. Honestly, when you said you had to stay at SGS, I was hurt at first. Kasi parang...."Bakit ka pa magste-stay? Why are you prolonging your agony?" -- siyempre, ayoko naman na mahihirapan ka pa kasi alam ko naman how it is diyan sa SGS. Pero nung na-realize ko yung reason mo at nag-sink in siya sa akin, I feel na napaka-selfish ko naman to impose na mag-resign ka na diyan dahil may mga responsibilities ka nga pala. Sabi ng Mommy ko, I should understand you na lang and wish you luck.

I miss you Khimpotz. Nami-miss ko ang kakikayan mo. Yung pagkumpas-kumpas ng kamay mo kapag nagkukwento ka. Yung pagtahimik mo na lang pag sinesermonan na kita. Yung hilig mo sa make-up, bags at Wedding details. Yung super puti mong skin na envy ko talaga. Yung hindi mo pagpatol sa akin pag tinatarayan na kita kahit kayang-kaya mo naman akong bigwasan at saktan. Lahat `yun at marami pa. Pero andito lang naman ako girl. Nagkaiba lang naman tayo ng office pero you know where to call me when you need me. Ikaw nga lang ang pinagkatiwalaang bigyan ko ng home phone number namin. Kahit sina Tin, Tetay at Jen, hindi nila alam ang phone ko sa bahay. I guess that alone speaks for itself. That I treated you a close friend kahit di tayo magka-batch. I wish you all the best, Khim. See you soon.

Related Post

Related Posts with Thumbnails